109
trillanes2
By

Sereno pinasasali sa senatorial slate ng oposisyon – Trillanes

Sharing is caring!

Kinukumbinsi na ng oposisyon si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tumakbo sa pagkasenador sa eleksyon sa 2019.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes, personal na niyang kinausap si Sereno ukol dito.

Myembro si Trillanes ng selection committee para sa magiging senatorial slate ng Tindig Pilipinas na kowalisyon ng mga taga-oposisyon.

Ipinaliwanag umano niya kay Sereno na kailangan ito ng oposisyon at inilatag nya rito kung paano ang takbo ng pulitika.

Wala umanong sinabi si Sereno na bukas ito sa pagkandidato pero handa umano itong makinig sa mga paliwanag.

Kailangan din umano ng dating chief justice ng panahon para mag-isip at kumonsulta sa mga taumbayan.

Inaasahan ang desisyon ni Sereno hanggang sa kalagitnaan ng Agosto dahil hanggang sa Oktubre lamang ang paghahain ng kandidatura.

“We are giving CJ Sereno enough space to do reflections at some point. Kapag ready nang i-roll out ang opposition slate, kailangan a big decision will be made,” ani Trillanes.

Sa ngayon, anim ang sigurado umanong kandidato ng oposisyon sa pagkasenador.

Ito ay sina Senador Bam Aquino, dating Quezon Representative Erin Tanada, human rights lawyer Chel Diokno, Magdalo party-list Representative Gary Alejano at Barry Gutierrez ng Akbayan party-lst.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangilinan na kinukumbinsi pa nila na kumandidato rin ang aktres na si Agot Isidro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?