30

By

Sereno, nagpabagal sa retirement benefits ng justices – Marquez

Sharing is caring!

Kinumpirma ni SC administrator Midas Marquez na naging mabagal ang Korte Suprema sa pagresolba ng mga petisyon para sa survivorship benefits ng mga naiwang asawa ng mga namayapa nang hukom at mahistrado.

Ayon kay Marquez, dati ay nakapaglalabas na ng resolusyon ang SC en banc sa ganitong aplikasyon ng benepisyaryo sa loob lamang ng dalawa hanggang tatlong linggo.

Aniya, noon ay agad na inira-raffle ang aplikasyon sa mga mahistrado saka ito isasalang sa en banc para sa pinal na disposisyon.

Pero sa ilalim ni Chief Justice Sereno ay lumikha ito ng special committee on retirement and civil service benefits kung saan sa ilalim nito ay nagtatag pa ng dalawang technical working group para tumanggap at magproseso ng aplikasyon para sa survivorship benefits.

Nang mabuo aniya ang mga komiteng ito ay nag-average na ng dalawang taon bago maaprubahan o madesisyunan ang mga aplikasyon para sa nasabing benepisyo.

“Because of the creation of the special committee and the TWGs, all applications received by the Office of the Clerk En Banc from October 2015 were held in “abeyance,” sabi ni Marquez.

“From October 2015 to November 6, 2017, no request was acted upon,” dagdag ng court administrator

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?