Sereno kay Patricia Fox: Tayo ay ‘women under fire’

Sharing is caring!

Naging speaker sina SC Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno at Sister Patricia Fox sa forum na ginanap sa Adamson University.

Dito naglitanya si Sereno sa mga isyu na kinasasangkutan niya tulad ng impeachment na wala umanong nararating dahil walang rason.

Pati si Sister Pat ay sinabihan nitong umasa sa pagmamahal ng Panginoon at mga kababayan gaya niya dahil walang makukuha ang tumutuligsa rito.

Sila umanong dalawa ay “Women Under Fire” sa kabila na ang pangalan ng forum ay “Women on Fire”.

Sa dulo ng kanyang talumpati sinabihan nito ang mga kabataan na huwag hayaang ang maiitim na balak ay magtagumpay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?