19
maria-lourdes-sereno1
By

Sereno issue, kasalanan ng JBC – Batocabe

Sharing is caring!

Isinisi ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe sa Judicial and Bar Council (JBC) ang usapin sa nangyaring pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Katuwiran ni Batocabe, ang JBC ang sumala sa mga aplikante bago ibinigay ang listahan ng mga nominado para sa posisyon ng punong mahistrado.

Trabaho anya ng JBC na i-review ang lahat ng credentials, requirements at qualifications ng mga aplikante kaya dapat sa kanila pa lamang ay hindi na umubra si Sereno.

“Sino ba ang nagsasalansan ng mga application, ‘di ba ang JBC? By the time na nakita ng JBC kulang ng requirements, bakit pinalabas pa nila ang appointment o nomination ni Sereno?” tanong ni Batocabe.

Pero kinontra ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang pananaw ni Batocabe.

“Malinaw naman kung ano lang requirement sa Saligang Batas for as long as this is not violative of the minimum requirement, the JBC can relax its process. ‘Yung mga ganung usapin para na lang ilihis ang isyu. Ang isyu talaga ay ‘yung tiraniyang nagbabadya ngayon,” ani Zarate.

“Ang issue dito ay beyond Chief Justice na, pulitikal na ang usaping ito na nag-conspire ang lahat ng branches to unseat Sereno,” dagdag ng kongresista.

Nakasaad sa 1987 Constitution na ang minimum requirements para maitalaga sa Korte Suprema ay natural born citizen; nasa 40 taong gulang ang edad; at naging hukom ng mababang korte o nakapag-practice ng abogasya sa loob ng 15 taon o higit pa sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?