sereno2
By

Sereno impeachment, tatapusin sa loob ng 1 o 2 linggo – Alvarez

Sharing is caring!

Tinaya ni Speaker Pantaleon Alvarez na maaprubahan ng Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno sa loob ng isa hanggang dalawang linggo pagbalik ng sesyon ng Kongreso sa May 15.

Ayon kay Alvarez, naihanda naman na ng House justice committee ang committee report at Articles of Impeachment laban kay Sereno.

“Our intention was to approve these before we took a break but we didn’t have enough time to do it. I’m sure that after the resumption of session we can approve these in plenary within one or two weeks,” sabi ni Alvarez.

Kakailanganin ang botong one-third ng lahat ng miyembro ng Kamara para maaprubahan ang Articles of Impeachment at mai-akyat sa Senado ang kaso para sa paglilitis.

Una rito, tiniyak ni Alvarez na masusunod ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte para bilisan ang impeachment proceedings kay Sereno.

Gayunpaman, sinabi ng Speaker na magiging moot and academic ang

impeachment process kung maglalabas ng desisyon ang Korte Suprema pabor sa quo warranto case na inihain ni Solicitor General Jose Calida laban sa punong mahistrado.

Ang quo warranto case ayon kay Alvarez ay hiwalay na aksyong ligal na kumukwestyon sa validity ng appointment ni Sereno.

Ang impeachment process naman ay naglalayong panagutin ang impeachable official sa mga ginawa nito habang nakaupo na siya sa tungkulin.

“Who are we going to impeach if she turns out to be a fake Chief Justice or a fake Justice? If she is not really the Chief Justice or a Justice, then we have nobody to impeach,” ani Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?