115

Dec 10, 2017 @ 17:29
By

Sereno impeachment hearing, puputulin muna – Umali

Ipinahiwatig ng chairman ng House committee on justice na puputulin muna nito ang pagdinig sa impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, posibleng ang impeachment hearing bukas ay huli na para sa ngayong taon at sa Enero na ulit itutuloy depende sa mapagkakasunduan nila ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Ito’y para bigyang daan ang ratipikasyon ng P3.7 trillion national budget para sa 2018, Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), at ang posibleng extension ng martial law sa Mindanao.

“There are so many concerns and our legislative commitment is also equally important with the impeachment proceedings. As of the moment, we may cancel the hearings on Tuesday and Wednesday. But nothing is final and official. We will decide tomorrow (Monday),” sabi ni Umali.

Diringgin ng komite bukas ang testimonya ng ilan pang mahistrado ng Korte Suprema tungkol sa umano’y mga dinoktor na resolusyon ni Sereno

Nakatakda nang magbakasyon ang Kongreso ngayong linggo para sa Christmas break.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?