34

By

Sereno impeachment, ‘di aabot sa constitutional crisis – Alvarez

Sharing is caring!

Pinawi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pangamba na humantong sa constitutional crisis ang usapin ng impeachment case laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling i-akyat ito sa Korte Suprema.

Paliwanag ni Alvarez, malinaw sa Konstitusyon na ang Kamara ang may mandato na tumanggap at magproseso ng impeachment.

“Hindi tayo aabot doon kasi alam ko yun namang majority of the justices of the Supreme Court naiintindihan naman nila yung trabaho nila. Hindi tayo hahantung doon dahil malinaw na malinaw po yung letra ng ating Saligang Batas,” sabi ni Alvarez.

“Malinaw na malinaw ang ating Konstitusyon, ito balance of power ito na to check yung abuses ng Judiciary, to check abuses ng Executive, ay binibigay sa legislative branch of government,” dagdag ng Speaker.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag matapos magbabala si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali na posibleng magresulta sa constitutional crisis sakaling magdesisyon ang kampo ni Sereno na kuwestyunon ang impeachment sa kataas-taasang hukuman.

Pero sinabi ni Alvarez na kung umabot anya sa puntong ito at paboran ng Supreme Court ang punong mahistrado ay hindi ito kikilalanin ng kapulungan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?