Sereno
By

Sereno, imbitado sa impeachment hearing sa Kamara

Sharing is caring!

Inimbitahan ng House committee on justice si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa susunod na pagdinig sa impeachment complaint laban dito sa November 22.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite, pinadalhan ng invitation letter si Sereno para dumalo sa hearing kung saan tutukuyin kung may probable cause ang reklamo.

“The invitation was sent to Chief Justice Sereno. The committee wants her presence during the resumption of the hearing on Wednesday,” sabi ni Umali.

Ayaw namang pangunahan ni Umali ang posibilidad na makitaan ng probable cause ang impeachment case na inihain ni Atty. Larry Gadon.

“The committee has yet to discuss that. I will not preempt,” ayon kay Umali.

Pero binanggit nito na tatalakayin at dedesisyunan rin sa pagdinig ng komite ang hirit ni Sereno na payagan ang kanyang mga abogado na ma-cross-examine ang posibleng mga testigong ihaharap laban sa kanya.

“If she wants to cross-examine her accusers, she should attend the hearing and personally face them, not her lawyers,” diin ni Umali.

Una rito, hinamon ni Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez ang punong mahistrado na harapin ang mga nag-aakusa sa kanya kung wala itong itinatago o kaya naman ay magbitiw na lamang. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?