By

Sereno, idiniin ni De Castro sa pinekeng reso

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita de Castro na gumawa ng isang tanggapan sa ilalim ng Korte Suprema si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang pagharap sa House Justice Committee, sinabi ni De Castro na hindi kinonsulta ni Sereno ang SC En Banc sa revival ng Regional Court Administration Office-7 (RCAO-7).

Paliwanag ni De Castro, pinadalhan sila ng imbitasyon ng tanggapan ng punong mahistrado noong Nobyembre 23, 2012 para sa launching ng RCAO sa Cebu.

Pero lumabas aniya na ito ay Judiciary Decentralized Region Office 7 (JDO 7) na nasa ilalim ng tanggapan ng Chief Justice taliwas sa RCAO na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Office of the Court Administrator.

Nakasaad aniya sa Administrative Order ni Sereno na maaari lamang buwagin ang JDO 7 ng punong mahistrado habang ang RCAO 7 na inaprubahan ng SC En Banc ay pilot project na tatagal lamang ng isang taon.

Iginiit ni De Castro na hindi maaaring lumikha ng bagong tanggapan ang punong mahistrado dahil ito ay trabaho ng lehislatura. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?