sereno

Sereno hindi magbibitiw sa puwesto

Sharing is caring!

Nanindigan si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na hinding-hindi siya magbibitiw sa kanyang posisyon sa kabila ng impeachment complaint na kinakaharap niya sa Kamara.

Ayon sa Punong Mahistrado, wala naman siyang maling ginawa bilang pinuno ng Kataas-taasang Hukuman sa bansa.

“Sabi ko po lahat ng ginawa ko simula pa noong ako’y na-appoint na associate justice [in 2010] ay wala po ni isang bahid ng malisya. Lahat po ginawa ko nang tapat ang aking tungkulin, ” pahayag ni Sereno sa isang forum sa University of the Philippines kanina.

Hindi aniya maganda ang magiging mensahe sa mga kabataan kung basta na lang siya magbibitiw sa kanyang posisyon.

“Ano po ang mensaheng ipinapaaabot ng aking pagbibitiw? Ako po ba ay isang taong natatakot? Isa po ba akong taong dahil sa panggigipit ay bibigay?” ani Sereno.

“Nakakahiya po ako kay Ka Andres Bonifacio who at the age of 20 plus led the first Philippine revolution o yung kanyang sidekick at brains na si Emilio Jacinto who was also 17 or 18 when he led also the triumvirate in the Katipunan. Nakakahiya ho sa kabataan kung ako ay bibigay,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?