51
ABANTE-TNT-sereno-hindi-kamara
Jan 3, 2018 @ 18:37
By

Sereno, ‘di pa rin sisipot sa impeachment hearing sa Kamara

Hindi pa rin dadalo si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa impeachment proceedings sa House Justice Committee.

Tugon ito ni Atty. Carlo Cruz, abogado ni Sereno, sa muling panawagan ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa Punong Mahistrado na humarap na sa impeachment hearing sa Kamara de Reprensentantes para personal niyang sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Ayon kay Cruz, mahina ang reklamo ni Atty. Lorenzo Gadon laban kay Sereno kaya hindi na kailangan na humarap ito sa pagdinig.

“There further appears no real need for her to appear at this point because the evidence thus far presented has been wholly inadequate to establish any impeachable offense or enough to justify the filing of articles of impeachment,” saad ni Cruz.

Dagdag pa ng tagapagtanggol ng Punong Mahistrado, bagama’t ikinalulugod ni Sereno ang pagtiyak ng House Speaker na siya ay makakatanggap ng patas na pagtrato sa pagdinig, pinili nito na huwag nang humarap sa impeachment hearing para maprotektahan ang dignidad ng kanyang tanggapan at ang pagiging independiyente ng Korte Suprema.

Nauna nang humarap sa impeachment hearing at naglabas ng himutok laban sa umano’y kuwestiyonable at iligal na hakbang ni Sereno ang kanyang mga kapwa mahistrado na sina Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Francis Jardeleza at Noel Tijam.

Inaasahang madaragdagan pa ang mga mahistradong sisipot sa pagbubukas muli ng impeachment hearings sa House Justice Committee sa Enero 15. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?