51

Dec 1, 2017 @ 14:12
By

Alvarez kay Sereno: Humarap ka sa Kamara hindi sa media

Hinamon ni House Speaker Pantaleon Alvarez si Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na idepensa ang sarili sa House justice committee.

Ayon kay Alvarez, sa halip na gamitin ang media, dapat humarap na lamang si Sereno sa impeachment hearing kaugnay ng reklamo sa kanya.

“Ang sinasabi ko, dahil nga hindi siya nag-a-appear doon sa hearing, talagang paano niya dedepensahan ‘yung sarili niya hindi ba? Tapos maglalabas na lang siya ng mga statement sa media, hindi naman valid ‘yun,” sabi ni Alvarez.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag matapos ang sunod-sunod na public appearance ng punong mahistrado sa telebisyon at mga forum.

Kahapon, dumalo ang punong mahistrado sa misa sa Parish of Holy Sacrifice sa Quezon City at sa youth forum sa University of the Philippines.

Sa kanyang pagsasalita sa nasabing aktibidad, nangako si Sereno na hindi magpapadala sa panawagang mag-resign at iginiit na wala siyang ginawang mali.

Pero para sa Speaker, ang pagdinig ng impeachment committee ang tamang lugar para pasinungalingan ng Chief Justice ang mga paratang laban sa kanya.

“Kaya kailangan talaga siyang pumunta doon para i-disprove ‘yung mga allegations at ‘yung mga ebidensiya na inilahad laban sa kanya. Alam naman niya ‘yan dahil abogado rin iyan, nagpa-practice,” giit ni Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?