47
harry-roque
By

Sereno bilang alas ng oposisyon, kinantiyawan ng Palasyo

Sharing is caring!

Binuska ng Malacañang ang oposisyon dahil sa tila paggamit kay ousted Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Tinawag ni Presidential Spokesman Harry Roque ang oposisyon na desperado na para gawing “rallying figure” si Sereno at isang malaking pagkakamali kapag ginawa ito.

Ayon sa kalihim, ngayon pa lamang ay masasabi nitong ikakapahamak ng oposisyon si Sereno kung ito ang ipanglalaban kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Roque na sa surveys pa lamang ay hindi na pinagkakatiwalaan ang dating Chief Justice at napakababa ng approval ratings nito kaya malabong magtagumpay ang mga ito sa binabalak laban sa Presidente.

“Ang tingin ko po eh talagang desperado po ang oposisyon, naghahanap sila ng isang rallying figure. At ang napili po nila ay si Chief Justice. Isang malaking pagkakamali po ito dahil kung maniniwala po tayo sa lahat ng surveys, hindi po pinagkakatiwalaan si Chief Justice at napakababa po ng approval rating ni Chief Justice. So kung ‘yan na po ang rallying figure ng opposition, naku po, you’re doomed!,” ani Roque.

Nauna rito ay sinupalpal ng Malacañang ang panawagan ni Sereno na magbitiw na sa puwesto si Pangulong Duterte dahil wala itong nilabag na batas, hindi katulad ng pinatalsik na Chief Justice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?