25
ABANTE-TNT-sereno-comm
By

Sereno ayaw patulan ang mga pahayag ni Alvarez

Sharing is caring!

Sa kanyang ikalawang paglalahad ng talumpati ngayong araw na ito, hindi man umiwas ay tipid ang mga naging sagot ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa mga tanong kaugnay ng impeachment complaint laban sa kanya.

Si Sereno ay inimbitahan bilang speaker sa isang women’s forum sa St. Scholastica’s College sa Malate, Maynila.

Sa tanong tungkol sa umano’y pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na posibleng may probable cause ang impeachment complaint laban sa kanya, tumanggi si Sereno na magbigay ng kumento dahil hindi naman niya narinig ang panayam kay Alvarez.

“You are telling me what you heard him say. I haven’t heard him say anything, so let’s just leave it at that,” sagot ni Sereno sa tanong tungkol sa pahayag ni Alvarez.

Ayaw na rin niyang palalimin at palawakin ang mga sagot niya sa tanong kung bakit hindi siya dumadalo sa impeachment proceedings sa House Justice Committee.

Sabi pa ni Sereno, nakapagsumite na siya ng kanyang verified answer at hiniling niya sa mga kongresista na payagan siyang katawanin sa pagdinig ng kanyang mga abugado at payagan siyang maisalang sa cross examination ang mga testkbo laban sa kanya sa pamamagitan din ng kanyang mga abugado. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?