54

Jan 20, 2019 @ 14:30
By

Serena Williams, Simona Halep magtatapat sa Australian Open

Magtatapat si world No.1 seed Simona Halep at legendary Serena William sa fourth round ng Australian Open tennis tournament sa Lunes (Manila time).

Tinalo ni Halep ang nakatatandang kapatid ni Serena na si Venus Williams sa score na 6-2, 6-3 upang makausad sa next round.

Napaiyak naman si Ukranian player Dayana Yastremska ng matalo ito ni Williams sa straight sets 6-2, 6-1.

Sa maikling pahayag ni Williams, “I honestly would love to face the world No.1, I haven’t played with the world No.1 since I’ve been back. It will be good.”

Inaasahan na magiging matindi ang tapatan ni world no.1 Simona Halep at 23 Grandslam Champion Serena Williams sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?