52

Sep 1, 2018 @ 12:02
By

Serena Williams pinabagsak ang sariling kadugo

Dinomina ni Serena Williams ang kanyang kapatid na si Venus upang umabante sa 4th round ng US Open sa New York.

Ni hindi man lang pinasabik ni Serena ang laban at maagang tinapos sa mahigit isang oras lang, 6-1, 6-2, para tuluyang maungusan ang kanyang ate na si Venus.

Sa kanilang naging 29 pagtatapat sa mga torneo, lamang na lamang ang nakababatang si Serena na nagwagi nang 17 sa kanilang head-to-head match.

Inamin naman ni Serena na hindi naging madali para sa kanya na talunin ang kanyang kapatid.

“It’s not easy. She’s my best friend. She means the world to me … Every time she loses, I feel like I do.” sambit ng dating world ranked no.1 tennis player ng Women’s Tennis Association na si Serena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?