40

Serena Williams, ikakasal na

Sharing is caring!

Malapit nang ikasal ang tennis superstar na si Serena Williams sa fiance nitong si Reddit co-founder Alexis Ohanian.

Ang 36-anyos na si Serena at ang 34-year-old na si Ohanian ay engaged na noong Disyembre ng nakaraang taon pa kung saan nagkakilala sila noong 2015 sa Rome.

Mayroon nang 2-month old na anak na babae ang dalawa na isinunod din sa pangalan ni Alexis.

Ayon sa E! News, nakatakda umano ang pag-iisang dibdib ng dalawa nitong linggo sa New Orleans na may 200 na mga bisita.

Bridesmaids umano ang mga kapatid na babae ni Serena kabilang na ang isa pang tennis star na si Venus.

Kasama umano sa mga bisita ang ilang miyembro ng pamilya Kardashian. Balita ring ilan pa sa guests sina Eva Longoria, Beyonce at Jay-Z.

Nasa $1 milyon umano ang nagastos na nasabing kasal kung saan sinabihan na ang mga bisita na bawal ipasok ang kanilang mga cell phone dahil may exclusive photo deal ang soon-to-be-married sa Vogue.

Kahit buntis ay hindi pa rin napigilan si Williams at umuwing panalo sa taong ito na Australian Open kung saan inaasahang idedepensa niya ang titulo sa Melbourne sa 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?