serena-david
By

Serena Williams, David Beckham imbitado sa Royal wedding

Sharing is caring!

Inimbitahan ang dalawa sa mga famous sport personality na sina Tennis great Serena Williams at soccer star David Beckham sa royal wedding nina Prince Harry at American actress Meghan Markle.

“getting ready for my friends wedding.” Post ng 23 time Grand Slam champion sa Instagram Bago pa man umapak sa St. George’s Chapel kasama ang asawang si Alexis Ohanian.

Kasama naman ng 6 Premiere League title holder na si Beckham ang asawa na si Victoria. Naupo ang dalawa at pinanuod ang royal wedding sa Windsor Castle.

Rumampang naka-heels si Williams papasok ng St. George Chapel suot ang blush Atelier Versace dress. Habang si Beckham ay magarbo sa kasuotan niyang Dior Homme by Kim Jones, at sinamahan ng sport taste gray coat at vest.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?