24

Dec 25, 2017 @ 16:12

Serena Williams balik-aksiyon sa Abu Dhabi exhibition match

Balik-aksiyon matapos manganak si Serena Williams sa exhibition match sa Abu Dhabi laban sa French Open champion na si Jelena Ostapenko.

Hindi pa lumalaban si Williams mula nang manalo sa Australian Open noong Enero dahil buntis.

Maghaharap sila ng taga-Latvia na si Ostapenko sa Mubadala World Tennis Championship.

“I am delighted to be returning to the court in Abu Dhabi for the first time since the birth of my daughter in September,” anang 36-anyos na si Williams.

Mayroon nang record si Williams na 23 Grand Slam singles titles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?