145

Aug 8, 2019 @ 11:29

Serena una sa limpak ang kita sa mga babaeng atleta

Dahil umabot sa $29.2M ang buong kinita sa loob ng isang taon, tinanghal si US tennis superstar Serena Williams sa listahan ng Forbes magazine bilang highest paid women sa sports.

Nasunod sa sikat na tennis player si Naomi Osaka ng Japan na may $24.3M.

Sa total $11.8M ni dating Wimbledon champion Angelique Kerber sinakop niya ang ikatlong puwesto.

Ang nasabing record ni Serena ay pang-apat na niya sa magkakasunod na taon. Nagtamo na rin siya ng 23 grand slam singles title.

Sinama sa nasabing tala ng Forbes ang prize money, salaries, bonuses, endorsements at appearance fees ng nasabing mga netter. (Aivan U. Episcope)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?