madrid-open

Serena umayaw sa Madrid Open

Sharing is caring!

Hindi na tutuloy si Serena Williams sa gaganaping Madrid Open sa susunod na linggo.

Aniya, hindi pa siya handa at kailangan pa niyang mag-ensayo bago magbalik aksiyon.

Huling sumabak ang 23-time Grand Slam champion na si Williams sa Indian Wells matapos lumiban ng 14 buwan dahil sa panganganak.

Nakatakda rin sana siyang maging bahagi ng isang charity event pero pinalitan na ng Amerikanong si Coco Vandeweghe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?