10

By

Serena martsa sa US Open finals

Sharing is caring!

Martsa sa finals ng 2018 US Open si tennis superstar Serena Williams matapos pataubin si Latvian netter Anastasija Sevastova 6-3, 6-0 Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

Hindi maitanggi ng 23-time Grand Slam champ ang ganyang kasiyahan matapos ang panalo at inalala niya ang paglaban nito sa kanyang buhay matapos manganak.

“It is really incredible, a year ago I was literally fighting for my life at the hospital after having the baby,” saad ni Williams.

Malaki rin ang pasasalamat niya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makapaglaro ng tennis at kahit ano pa man ang mangyari, pakiramdam niya umano ay panalo na siya.

Ito ang unang Grand Slam finals match na sasalangan ni Williams matapos nitong mawala nang halos isang taon dahil sa kanyang pagbubuntis at panganganak.

“This is just the beginning. I’m only a few months in and really looking forward to the rest of the year and next year,” dagdag nito.

Inamin din nito na hindi pa lubusang nagbabalik ang dating laro niya at umaasa siya na isang araw ay magbabalik ang dating Serena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?