6

By ,

Serena lusot kay Kanepi, sasabak sa quarterfinals

Sharing is caring!

Pasok na sa quarterfinals ng US Open si tennis superstar Serena Williams matapos nitong talunin sa tatlong set si Estonian netter Kaia Kanepi 6-0, 4-6, 6-3 Linggo (Lunes sa Pilipinas) sa Flushing Meadows, New York.

Ito na ika-10 beses na umentra sa quarterfinals si Williams sa naturang torneo.

Naging madali ang unang set para kay Williams dahil sa loob lamang ng 18 minuto ay natapos niya ang laban pero agad na bumangon si Kanepi at umariba sa ikalawang set para maipwersa ang set 3.

Maganda ang unang minuto ng third set dahil nagawa nitong makalamang ng mas maaga, 5-2, at naging alas niya ang kanyang mga service na nagpahirap kay Williams.

Hindi nakitaan ng panghihina si Williams, agad bumawi at tuluyan nang inagaw ang momentum mula sa kalaban para maiselyo ang panalo.

“It wasn’t an easy match at all,” saad ni Williams. “She obviously knows how to play, she’s had a lot of big wins. We always have tough matches. I was just happy to get through it to be honest.”

Sunod na makakaharap ni Williams si Karolina Pliskova sa quarterfinals matapos nitong padapain si Ash Barty sa magkasunod na set 6-4, 6-4.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?