22

Sep 26, 2020 @ 20:49
By

Serbisyong totoo! Pa-laptop ni Vico Sotto sa mga titser hinangaan

Humakot ng libo-libong likes sa social media ang pagbibigay ng bagong mga laptop ng Pasig City government sa kanilang mga public school teacher.

Sa kanyang Twitter post ay masayang inanunsyo ni Mayor Vico Sotto na dumating na ang mga laptop nitong Sabado.

“Nandito na rin po yung mga LAPTOPS para sa mga PUBLIC SCHOOL TEACHERS,” tweet ni Sotto.

Narito ang komento ng ilang netizen:

“Iba ito, ang daming laptops ah, mayaman ang pasig o inilaan sa tama ang budget o hindi ninanakaw ang pera ng tax payers? Nakakapagtaka kaya palang gawan ng paraan. Iba ka Mayor, ikaw na.”

“Yan ang serbisyong totoo. Iniisip kng ano maitutulong at makakabuti sa mga kababayan natin. Mabuhay kayo @VicoSotto at si @IskoMoreno sa magandang halimbawa na ginagawa nyo para makapag serbisyo sa bayan. Sa mga politoko na nangungurakot bahala na sainyo ang dyos.Makakarma din kyo.”

“Ito yung sinasabing nasa mabuting gobyerno ka,yung ramdam mo na may pinatutunguhan kung saan napupunta ang buwis na ibinabayad mo.Bumabalik sa taong bayan,hindi sa bulsa ng politiko..ito yung totoong serbisyo..Godbless you more Mayor and Pasigueños.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?