163

By

Serbisyong pangkalusugan para sa lahat, layunin nina Defensor, Ginete

Pinili nina dating Quezon City Congressman Mike Defensor at dating Sta. Teresita, Batangas Mayor Adorlito Ginete na ipursige ang plano na manungkulan sa ilalim ng Anakalusugan Party-list imbis na ipagpatuloy ang mga nasimulang karera sa politika.

Sa ekslusibong panayam ng Abante, sinabi ng mga nominee ng Anakalusugan party-list na kailangan ng bayan ng mga mangunguna sa pagsulong ng mga pangkalusugang proyekto at batas sa bansa kung saan ay buong bansa ang kanilang mapaglilingkuran at hindi lamang ang kanilang distrito.

Samantalang pinili naman nila ang sektor ng kalusugan sapagkat dito karaniwang nagmumula ang mga biglaang problema na hirap solusyunan ng simpleng mamamayan, lalo na kapag biglaang nagkasakit ang isang miyembro ng pamilya.

Plano ng Anakalusugan na ipagpatuloy ang mga nasimulang proyekto katulad ng pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo, medical mission, at pagsasaayos ng mga health station sa bansa.

Layunin ng party-list na isulong ang health building program kung saan ay magkakaroon ang sektor pangkalusugan ng sapat na pondo para sa pagsasaayos ng mga health station mula sa mga basic facility hanggang sa mga gamot at workforce.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?