42

By

Serbisyong medikal sa mga buntis, sanggol pabibilisin sa QC

Sharing is caring!

Ipapatupad ng pamahalaang lokal ng Quezon City ang isang “information exchange database” na naglalayong magbigay ng mas mabilis na serbisyong maternal at neonatal sa mga mamamayan nito.

Ang Quezon City sa pamumuno ni Mayor Herbert Bautista, sa pamamagitan ng Quezon City Health Department (QCHD) at sa pakikipagtulungan ng United Laboratories Inc. (UNILAN, Inc.), ang nangungunang kumpanya ng mga healthcare products at services sa bansa, ay naglunsad ng “Seal of Excellence” (SoE) Plus kasabay ng pagdiriwang nito ng 5th Maternal and Neonatal Health Summit kung saan 44 na private lying-ins o paanakan, ang kinilala bilang Seal of Excellence awardees sa pagsunod sa pamantayan ng Department of Health, PhilHealth at ng pamahalaang lokal ng Quezon City.

Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno ng Quezon City na pag-ibayuhin ang serbisyong pangkalusugan upang matamo ang Sustainable Development Goals (SDGs) sa taong 2030.

Sa pamamagitan ng SoE Plus, ang mga “fully compliant” na lying-in clinics sa Quezon City ay kusang nagsusumite ng kani-kanilang postpartum at newborn profiles sa database ng pamahalaang lokal.

Bahagi rin ito ng pagpapalawak ng Quezon City sa SoE program nito na nagnanais na kilalanin ang mga pribadong lying-in clinic sa siyudad na nagtamo ng mga mahahalagang Maternal Newborn Child Health and Nutrition (MNCHN) indicators.

“Ang Seal of Excellence ay isang programang nagpapatunay sa kakayahan ng public-private partnership na magpatupad ng mga naaangkop na programang magbibigay ng benepisyo sa publiko. Ang pagkakaroon ng lying-in clinic ay ‘di birong negosyo sapagka’t ito ay responsible sa pangangalaga sa mga buntis at sa kanilang magiging supling. Kaya naman importante ang masigurong ang mga lying-in clinics ay compliant sa national at local goverment standards,” ani Claire Papa, external affairs head ng Unilab. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?