8

Oct 28, 2020 @ 12:16
By

Sept. 8 dineklarang Nat’l Green Building Day

Dineklara ni Presidente Rodrigo Duterte ang kada Setyembre 8 bilang “National Green Building Day.”

Oktubre 21 pinirmahan ng Pangulo at nilabas ngayong araw ang Proclamation 1030, na kinikilala ang pangangailangang magbigay-oportunidad sa pampubliko at pribadong sektor upang mapangalagaan ang kalikasan.

Ayon sa proklamasyon, ang Department of Public Works and Highways ang dapat na magtaguyod ng pagtalima sa National Green Building Day at bumuo ng mga programa, proyekto, at aktibidad para sa nasabing taunang pagdiriwang. Katuwang nito ang mga kaugnay na NGO at civil society groups.

Inatasan din ang lahat ng mga ahensiya ng pambansang gobyerno, mga local government unit, at pribadong sektor na suportahan ang DPWH sa pagdaos ng National Green Building Day.

“It is imperative to intensify existing initiatives to promote and raise awareness on the efficient and equitable use of resources, proper water and waste management, and integration of eco-friendly processes and systems, among others,” saad pa sa proklamasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?