16
views

Separation of property ng mag-asawa, pinanindigan ni Alvarez

Sharing is caring!

Walang nakikitang masama si Speaker Pantaleon Alvarez sa nilalaman ng kanyang panukalang civil union bill.

Para kay Alvarez, makatuwiran ang complete separation of property o kanya-kanyang ari-arian ng mag-asawa kung wala silang pre-nuptial agreement bago magpakasal.

Ipinaliwanag ng Speaker na dahil ang kultura ng Pilipino ay nahihiyang magpapirma ng pre-nup, mas maigi nang may batas na poprotekta kontra marriage for convenience.

Ang tinutukoy ni Alvarez ay iyong mga pinakakasalan lamang dahil sa yaman.

“Kasi nga itong scenario na ito, this will protect people na halimbawa, marami kasi ngayon, gumagamit ng… itong tinatawag na mahiwagang teleskopyo, oo may teleskopyo, digital pa ‘yan… automatic nagko-compute ng net worth, kahit na pangit, p*** kapag-nakita niyang malaki ang net worth ay papakasalan ‘yun,” ani Alvarez.

Dumepensa naman ang Speaker sa mga alegasyon na personal ang dahilan o base sa sariling karanasan ang pagsusulong nito sa nasabing panukala.

Giit ni Alvarez, abogado rin siya kaya alam niyang maraming ganitong kaso sa mga mag-asawa na nagpakasal dahil sa pera. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?