35

Nov 21, 2021 @ 16:35

Senyales ng pag-asa

Sinalubong ng bahaghari si Partido Reporma chairman at standard bearer Panfilo “Ping” Lacson sa kanyang pagbabalik sa Maynila matapos ang pagbisita niya sa Pag-asa Island, bahagi ng Spratlys archipelago, nitong Sabado (Nobyembre 20).

Si Lacson ay nanggaling sa Pag-asa Island para kausapin ang nasa 200 residente at mangingisda sa isla upang malaman ang kanilang mga pangangailangan at agad itong matugunan sa Senado.

Kabilang dito ang housing project para sa lahat ng mga pamilya sa isla na para sa batikang mambabatas ay “mas patriotic pa kaysa sa karamihan ng mga Pilipino.”

Matatagpuan ang Pag-asa Island 480 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City at nasa hurisdiksyon ng munisipalidad ng Kalayaan, Palawan. Ito ang pangalawa sa pinakamalaking isla sa pinag-aagawang Spratlys archipelago.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?