wps4
By

Sense of history, nawawala na sa mga Pinoy – maritime law expert

Sharing is caring!

Naniniwala si maritime law expert Ambassador Alberto Encomienda na nawawala na sa mga Filipino ang sense of history sa usapin ng pinagtatalunang West Philippine Sea (WPS).

Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Encomienda, ang karagatan ay hindi nangangahulugan ng pagkawatak-watak kundi dapat pagkakaisa.

Likas na aniya ang western legal framework at colonial mentality na lumilikha ng paghati-hati.

Dapat aniya, walang pinaiiral na nationality sa pangingisda sa WPS kundi humanity ang dapat na pairalin.

Paliwanag ni Encomienda, sa multipolar world hindi maiiwasan na ang mga bansa ay hindi magkakaunawaan gaya na lamang umano sa Japan at Vietnam na mayroong sigalot sa China pero tuloy pa rin ang kanilang kooperasyon sa kalakalan.

Giit ng maritime law expert, dapat ipaglaban ng gobyerno ang territorial rights at sovereign rights dahil ito ang ipinaglaban ng mga ninuno at bayani upang manatili ang coastal resources at soberenya ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?