12,693

Oct 5, 2019 @ 19:40
By

Senior high lumundag sa 5th floor ng SM North

Isang senior high school student ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ikalimang palapag ng SM North Edsa sa Quezon City, nitong Sabado ng hapon.

Ayon kay PLt. Col. Rodrigo Soriano, hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2, ang biktima ay isang senior high school sttudent.

Sa inisyal na report, nangyari ang insidente dakong alas-5:37 ng hapon (October 5) sa 5th floor ng SM Annex, Brgy. Sto. Cristo, QC.

Ilang namamasyal sa nasabing mall ang nagsabing bago ang insidente ay napansin na palakad-lakad at tila malalim ang iniisip ng biktima kaya nagulantang na lamang sila nang bigla itong tumalon.

Agad namang isinugod ng mga guwardiya ang estudyante sa Quezon City General Hospital subalit binawian din ito ng buhay bandang alas-6:00 ng gabi.

Masusi pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kung may ‘foul play’ sa sinasabing pagpapatiwakal ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?