33

Sep 7, 2021 @ 13:13
By

Senior citizens nganga sa social pension

Kinuwestyon ng isang solon ang kabiguan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipamahagi ang social pension para sa libu-libong senior citizen noong 2020.

Batay sa ulat ng Commission on Audit (COA), sinabi ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na sa 276,807 senior citizen na dapat makatanggap ng P500 buwanang social pension noong nakaraang taon, tanging 40,544 benepisyaryo lamang ang nabigyan ng DSWD.

“This represents only 15.01% of the target and COA said this could not be concluded as substantial compliance to the implementation of the program,” sabi ni Zarate sa deliberasyon ng House Committee on Appropriations.

Iginiit ni Zarate na ang mga mahihirap na senior citizen ang isa sa pinakabulnerableng sekto ng lipunan ngayong may pandemya “tapos hindi pa sila nabibigyan ng tamang ayuda mula sa ating pamahalaan kahit itong mandated by law na social pension nila.”

Sinabi ni DSWD Director Wayne Belizar na naghahanda na ang ahensya sa paggamit ng cash card upang mas mabilis na maipamahagi ang social pension payout.

“We’re working on that and once we are able to complete the preparation of this payout mechanism then it would be easier for the department to actually disburse and fully provide this stipend to our elderly beneficiaries,” sabi ni Belizar.

Pinuna rin ni Zarate kung bakit kada anim na buwan na lamang ibinibibigay ang social pension.

“Yung delay na natatanggap nila yung meager stipend ay hindi katanggap-tanggap dahil parang life support nila yan Madame Chair at ang isang nakakapanggalit dito…. ‘pag hindi nila ito nakuha halimbawa sa anim na buwan at sa kasamaang palad ay namayapa na sila hindi naman ito napupunta sa kanilang mga kamag-anak Madame Chair. So dapat talaga kung pwede matanggap ito kada buwan…” wika p ni Zarate.

Ayon kay DSWD Chief Rolando Bautista simula sa susunod na taon ay balik na sa kada-quarter ang pagbibigay ng social pension.

“Ang sitwasyon kasi noon nagkaroon kami ng cap 5% in the personnel on the ground apparently na-limit yung pag-hire namin ng personnel kaya we cannot cover that,” paliwanag ni Bautista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?