189

Apr 3, 2021 @ 19:31
By

Senior citizen tinadtad ng saksak kapwa kasambahay

Naging madugo ang Sabado de Gloria sa isang bahay sa San Carlos City, Pangasinan matapos pagsasaksakin ng isang matandang kasambahay ang kapwa niya kasambahay.

Ayon sa ulat, nagtalo sa hindi pa batid na dahilan ang biktimang si Mary Jevel Alba, 22, at suspek na si Jimmy Soriano Caranto, 61, sa kusina ng kanilang employer, na hindi na pinangalanan, bandang alas-8:30 ng umaga, Abril 3.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng kutsilyo si Caranto at maraming beses pinagsasaksak ang kasamahang babae.

Dinala umano ang biktima sa isang ospital sa San Carlos City pero idineklara nang dead on arrival habang naaresto ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?