94

Mar 4, 2020 @ 11:41
By

Senior citizen timbog sa murder

Arestado ng mga operatiba ng Cabangan police ang top 1 most wanted sa kasong murder sa Barangay New San Juan sa Cabangan, Zambales.

Ang suspek ay makilalang si Roy Dimaano, 67, walang trabaho, at residente ng naturang barangay.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ni Hon. Judge Consuelo Bocar ng RTC Branch 71 sa Iba, Zambales sa kasong pagpatay o murder.

Sa ngayon, nakadetine na ang suspek at walang nirerekomendang piyansa ang korte para rito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?