5

Jan 12, 2021 @ 18:39
By

Senior citizen natabunan ng lupa nakaligtas

Natabunan ng lupa ang isang senior citizen sa Borongan City, Eastern Samar kahapon.

Nakilala ang biktima bilang si Remigeo Alea, 70-anyos.

Ayon sa ulat, nagkalkal ng kanal sa likod ng kanilang bahay si Alea nang biglang gumuho ang lupa sa gilid ng bundok.

Buti na lamang daw ay kalahati lang ng katawan ng 70-anyos ang natabunan ng lupa.

Agad naman siyang tinulungan ng kanyang mga kapitbahay at isinugod sa pagamutan.

Sanhi umano ng walang tigil na pagbuhos ng ulan ang pagguho ng lupa sa gilid ng bundok.

Kasalukuyang maayos na ang kalagayan ni Alea na naiuwi na sa kanilang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?