16

Jan 12, 2021 @ 20:06
By

Senior citizen nabudol ng ‘inaanak’

Nabudol ang isang matandang babae sa Cotabato matapos magpanggap ng isang babae bilang inaanak umano niya.

Kuwento ni lola, nasa tindahan siya nang lapitan siya ng babaeng nakamotorsiklo at nagpakilala itong inaanak niya.

Aniya, nanghiram ng P10,000 ang babae at iniwan pa ang kanyang ATM card sa matanda.

Tinangka pa umano kausapin ng anak ni lola ang suspek ngunit agad itong humarurot paalis.

Kasalukuyan nang tinutugis ng kapulisan ang suspek sa tulong ng CCTV video na kuha sa naturang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?