79

Dec 25, 2017 @ 16:53
By

Senglot dedbol sa inuman sa kalsada

Hindi na inabot ng araw ng Pasko ang isang sidewalk vendor nang masagasaan ito sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Pasay City Linggo ng gabi.

Base sa ulat, huling nakitang buhay si Eduardo Villaflores sa pakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa gilid ng Roxas Boulevard malapit sa Libertad flyover.

Sinabi ng kanyang live-in partner na si Helena dela Cruz, bigla na lang nawala sa grupo si Villaflores at may nagsabi na lang sa kanila na duguan na itong nakahandusay sa gilid ng kalsada.

Sinabi ng isang testigong motorista na isang mabilis na Toyota Hi Ace van ang nakabundol kay Villaflores.

Bumaba naman ang driver at tiningan pa nito si Villaflores ngunit nagpasabi na pupunta na lang siya sa istasyon ng pulisya dahil sa takot na makuyog ng mga istambay.

Ngunit nang magpunta ang mga kakilala ng biktima sa pulisya ay wala pa ang driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?