2,845

By

Senatorial slate nina Digong, Mayor Sara halos walang pinagkaiba

Hayagan nang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles ang senatorial ticket niya para sa 2019 midterm polls.

Ang mga ito umano ay mga taong sumuporta sa kanya at sinuportahan niya noon.

Sa pagsasalita nito sa pagtitipon ng tricycle operators sa Pasay City, hinikayat niya ang audience na iboto ang mga “manok” ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na sina Francis Tolentino, Christopher “Bong” Go, Ronald “Bato” dela Rosa at Freddie Aguilar.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na kabilang din sa pambato niya sa Senado sina Sonny Angara, Cynthia Villar, Pia Cayetano at Imee Marcos.

Samantala, kung ikukumpara ito sa senatorial slate ng Hugpong ng Pagbabago na pinamumunuan ni Davao City Mayor Sara Duterte, halos pareho ito sa listahan ng Pangulo.

Kabilang sa inendorso ni Mayor Sara sina Jinggoy Estrada, Sonny Angara, Pia Cayetano, Bato dela Rosa, JV Ejercito, Bong Go, Zajid Mangudadatu, Jiggy Manicad, Imee Marcos, Koko Pimentel, Bong Revilla, Harry Roque, Francis Tolentino at Cynthia Villar.

Ang PDP-Laban ang ruling party ng administrasyong Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?