49

By

Senatorial slate ng oposisyon, malalaman sa Oct. 24 – VP Leni

Sharing is caring!

Inanunsiyo ni Vice President Leni Robredo na sa Oktubre 24 pa isasapubliko ang magiging kandidato sa pagka-senador ng opposition coalition para sa 2019 elections.

Sinabi ni Robredo, chairperson ng Liberal Party, naudlot kahapon ang pag-anunsiyo ng kanilang mga kandidato dahil may mga isyu na kailangan pang plantsahin.

Aniya isa sa kailangan na mapagkasunduan ay kung dapat na kumpletong 12 kandidato ang kanilang isasabak.

“Ako, ina-advocate ko na sana mga walo lang, Ayaw din natin na para makumpleto iyong 12…Gusto natin iyong i-o-offer natin sa tao, iyong quality talaga. Mukhang ma-a-achieve naman,” sabi ni Robredo sa panayam sa Bacolod City

Ang huling nag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa panig ng oposisyon ay si dating Bangsamoro Transition Commission (BTC) member Samira Gutoc-Tomawis.

Matatandaan na nagbitiw si Gutoc sa BTC dahil sa naging pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa panggagahasa ng mga sundalo sa mga babae, gayundin ang pagdeklara ng martial law sa Mindanao at ang nagpatuloy na pambobomba sa Marawi City.

Unang inanunsiyo ng koalisyon ang apat nilang kandidato at ito ay sina reelectionist Sen. Bam Aquino, human rights lawyer Jose Diokno, dating Quezon Rep. Lorenzo Tañada III, at election lawyer Romulo Macalintal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?