971

By

Senatorial candidates ni Duterte matatalo sa 2019 – Trillanes

Sharing is caring!

Inaasahan ni Senador Antonio Trillanes IV na matatalo sa eleksyon sa 2019 ang mga kandidato sa pagkasenador na ikakampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Trillanes, doon mapapatunayan na mababa na ang popularidad ng pangulo dahil marami na ang dismayado sa mga patayan, kahirapan at pagmumura pa nito sa Diyos.

Sisiguraduhin din naman umano ng senador na matatalo ang mga kandidato ng pangulo dahil kakampanya siya labna sa mga ito.

Ipapanawagan umano niya na bumawi sa eleksyon ang mga naargabyado ng Duterte administration at huwag iboto ang “mga kampon” ng pangulo.

“Sa akin, talagang ako mangangampanya sa lahat ng sasama sa kampon ni Duterte, Tatawagin ko silang kampon ni Duterte. We will make sure na hindi na makakaulit itong grupo ni Duterte,” deklarasyon ni Trillanes.

Sa kanyang pagtaya, matutulad ang mga kandidato ni Duterte sa mga naging kandidato ni dating Pangulong Gloria Arroyo noong 2007.

Noon nanalo si Trillanes habang nakabilanggo dahil sa kasong rebelyon.

Tatlo lang ang mga kandidato ni Arroyo na pumasok sa magic 12 at iyon ay sina Senador Juan Miguel Zubiri at dating Senators Joker Arroyo at Edgardo Angara.

Natanggal pa noon si Zubiri dahil sa nanalong protesta laban dito ni Senador Koko Pimentel.

“Nung 2007, oppression ang inireklamo at hirap ng buhay. Ngayon oppression, hirap ng buhay tapos minura pa ang Diyos. Ibang level itong si Duterte. At yung mga namatay sa drug war, eh itong si GMA (Gloria M. Arroyo) wala namang ipinapatay,” dagdag ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?