59

Mar 5, 2020 @ 21:04
By

Senator Go suportado ang atletang Pinoy

Buong suporta ang ibibigay ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go para sa mga programa ng professional boxing at combat sports pati mga atleta ng bansa.

Ito ang kanyang iginiit sa pagdinig nitong Miyerkoles sa panukalang batas na magpapatibay sa Philippine Boxing Commission.

“I express my full support for the objectives of Senate Bill No. 193 and Senate Bill No. 805…These bills not only aim to strengthen and develop the quality of professional boxing and combat sports in the country but also ensure the protection and welfare of its athletes,” pahayag ni Go.

Nanguna sa pagpupulong sa panukalang batas na isinusulong ni Senator Manny Pacquiao si Sen. Go, na Chairman ng Senate Committee on Sports, kasama rin ang Committee of Health and Demography at Committee on Finance.

“The achievement of the objectives under the proposed Senate Bills can be a step in the right direction. This will not only provide a big boost to Philippine boxing and other combat sports; it will also secure the country’s rightful place as a serious contender in the sporting world,” sambit ni Sen. Go.

Present rin sa pagdinig sina Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez, Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra, GAB officials, Department of Budget and Management, at samahan ng mga boxing at combat sports sa bansa.

Ipinunto ni Mitra sa pagdinig ang mga layunin ng panukalang batas at ang kanilang patuloy na pagsuporta sa mga mga professional athlete.

“While we laud the initiative, feeling namin nagagawa na namin ang mga gustong gawin at ang mga gusto pang ipagawa sa amin, maaari naman naming gawin basta maalalayan lang po kami nang konti,” paliwanag nito na sinang-ayunan naman ng Association of Philippine Professional Boxing Ring Officials at ng mga samahan ng mga boxing matchmakers at promoters.

Ngunit giit ni Ma. Elsa Rivera ng Department of Budget and Management (DBM) na “the creation of the proposed commission is deemed not necessary since its proposed functions, programs, projects and activities are already inherent or currently being undertaken by the different offices or units of the Philippine Sports Commission (PSC) and GAB.”

Nilinaw naman ni Sen. Pacquiao na hindi nito kinekwestion ang kakayahan ng GAB at nauunawaan nito ang posisyon ng ahensya ngunit bilang 25 years nang boxer ay masasabi nitong kinakailangan nang magkaroon ng commission na hahawak at magpopokus sa sport.

“Napakahirap talaga. Muntik na akong madisgrasya bago ko narating ito ngayon. Maraming mga kailangang gawin at hakbang para sa ating mga atleta, especially ‘yung mga SSS, PhilHealth, medical requirements before the fight or regularly,” sabi ni Pacquiao.

Lumahok rin sa pagdinig sina Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa at ilang representative mula sa Governance Commission for GOCCs (GCG) at Lakay Mixed Martial Arts (MMA) Top Team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?