27

By

Senate version ng 2018 budget, ‘tokhang-free’ – Hontiveros

Sharing is caring!

Kahit taga-oposisyon at minorya, bumoto si Sen. Risa Hontiveros pabor sa bersiyon ng Senado ng panukalang pambansang badyet para sa 2018 na P3.767 trilyon.

Ayon sa senadora, nasiyahan siya dahil “tokhang-free” ang kanilang inaprubahan.

“This sends a clear signal to the executive that human rights violations and constitutionally-infirm state policies will not be financed,” pahayag ni Hontiveros.

“This monster will not be fed. This will, thankfully, be a tokhang-free budget,” dagdag nito.

Tinukoy ang tinapyas na badyet ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa anti-drug war campaign.

Inilipat ng Senado sa housing program para sa PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang sana ay P900 milyon ng PNP para sa Oplan Double Barrel o Oplan Tokhang at ang P500 milyon para sa MASA MASID ng DILG.

Ipinasya ito ng mayorya ng mga senador dahil inilipat na ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa PNP tungo sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangunguna sa kampanya laban sa iligal na droga.

Kasunod naman iyon ng mga kritisismo sa mga patayan at extrajudicial killings sa drug war ng PNP.

Idaragdag ang “tokhang budget” sa P1.6 bilyon na orihinal na mungkahi ng Malacañang para sa AFP at PNP housing program. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?