61
Senate sticker sa SUV ng Chinese, peke - Sotto
Mar 19, 2020 @ 18:55

Senate sticker sa SUV ng Chinese, peke – Sotto

Nilinaw ni Senate President Vicente Sotto III sa Abante ang Senate sticker na nakita sa minamanehong SUV ng isang Chinese national na naharang sa checkpoint sa border ng Makati at Mandaluyong matapos mabigong magpakita ng driver’s license.

Ayon kay Sotto, hindi iyon ang official sticker na iniisyu ng Office of the Sergeant-At-Arms (OSAA) sa mga empleyado ng Senado.

Isa lang daw iyong commemorative sticker ng logo ng Senado na maaaring mabili sa SEMCO, ang kooperatiba ng mga empleyado ng Senado.

Ipinakita rin niya ang tunay na Senate sticker ng Senado na may control number habang ang nakadikit sa sasakyan ng Chinese ay sticker lang.

“That’s not our official sticker that OSAA issues to our Senate employees. That’s just a commemorative sticker of the Senate logo that can be bought from SEMCO (coop of Senate employees),” ani Sotto. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?