82

Oct 17, 2020 @ 13:42
By

Senate Spouses Foundation namigay ng health gift pack

Sa pagdiriwang na ika-105 taon ng Senado, namahagi ang Senate Spouses Foundation Inc. ng maraming health gift pack sa mga frontliner sa Pasay City General Hospital, Pasay City Health at Philcare Manpower Services.

“Pasay City Frontliners were chosen because Pasay has been graciously housing the Senate for so many years now. May God continue to guide the Senate of the Philippines for a better and stronger Philippines,” pahayag ni Senate President Vicente C. Sotto III.

Malugod na tinanggap ni Deputy Secretary Enrique Luis Papa ng External Affairs and Relations ng Senado ang mga opisyal ng Pasay City Health Office sa pamumunod ni Dr. Lourdes San Juan na tumanggap ng mga donasyon na health packs.

Ang aktibidad ay bahagi ng foundation anniversary na may temang “Matatag na Senado, Kabalikat ng Pilipino.”

Kasama rin sa litrato si singer-actress Ciara Sotto na kumatawan sa Senate Spouses Foundation, Inc.; Director Irah Ruth Borinaga of the Office of the Senate Secretary; at Dr. Marilou Ocampo ng Pasay City General Hospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?