40

By

Senate resolution vs Sereno ouster, inihain na

Sharing is caring!

Pormal nang naihain ang resolusyon ng 14 na senador na humihikayat sa Korte Suprema na repasuhin ang desisyon nitong tanggalin sa pwesto si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Nakalagda sa panukalang Resolution No. 738 sina Senate Pres. Koko Pimentel, Sen. Ralph Recto, Franklin Drilon, Loren Legarda, Kiko Pangilinan, Chiz Escudero, Antonio Trillanes, Edgardo Angara, Bam Aquino, Grace Poe, Leila De Lima, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros at Joel Villanueva.

Binigyang-diin nila sa resolusyon na maliwanag na nakatadhana sa Konstitusyon na maari lang matanggal ang myembro ng Korte Suprema sa pamamagitan ng impeachment process.

Ipinunto na ang Kamara at Senado ang may kapangyarihan na magsagawa nito.

Sa botong 8-6, pinawalang bisa ng Korte Suprema ang appointment ni Sereno bilang CJ batay sa quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida.

Ayon sa 14 na senador, ang ginawa ng Korte Suprema ay dangerous precedent dahil lumagpas sa exclusive powers ng lehislatura sa impeachment process.

Hindi nakalagda sa resolusyon sina Sens. Tito Sotto, Gringo Honasan, Ping Lacson, Richard Gordon, Cynthia Villar, Nancy Binay, Manny Paquiao, Juan Miguel Zubiri at JV Ejercito.

Ilan sa kanila ang naggiit na irespeto at tanggapin na ang desisyon ng Korte Suprema kay Sereno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?