7
views
dengvaxia1
By

Senate report sa Dengvaxia probe, aprubado sa DOH

Sharing is caring!

Tanggap ng Department of Health (DOH) ang report ng Senate Blue Ribbon Committee na nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa kontrobersiyal na Dengvaxia vaccination.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kaisa sila ng Senado sa paghahanap ng katarungan sa mga responsable sa pagbabakuna sa daan-daang libong kabataan.

Sinabi ni Duque sa simula pa lamang ay mayroon na siyang marching order sa mga opisyal ng DOH na tulungan ang mga nagsasagawa ng imbestigasyon upang mapanagot ang mga opisyal na nag-apruba sa P3.5-B Dengvaxia vaccine na ginawa ng French pharmaceutical firm na Sanofi Pasteur.

Dinagdag ni Duque na sa ngayon ay nakasentro ang kagawaran sa pagbibigay ng tulong medikal sa tinatayang 833,000 na mag-aaral sa pampublikong paaralan na tinurukan ng mapanganib na Dengvaxia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?