118

By

Senate probe sa militirasyon ng China sa WPS suportado nina Recto, Lacson

Sharing is caring!

KINATIGAN ng mga senador buhat sa majority bloc ang iginiit ng minorya na pagdaraos ng Senate hearing ukol sa militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dito nila inaasahang maibibigay ng mga opisyal sa loob at labas ng gobyerno ang kongkretong impormasyon ukol sa diumano’y pagtatayo roon ng China ng mga istruktura at pagpapasok ng missile systems.

Ayon naman kay Senador Panfilo Lacson, kailangang makialam ng Senado sa isyu at gamitin ang oversight function nito dahil seryoso ang implikasyon sa seguridad ng bansa ng mga ginagawa ng China sa West Philipine Sea.

Gusto ring malaman ni Lacson ang mga impormasyong hawak ng gobyerno particular sa missile system ng China.

Kung hanggang ngayon ay hindi pa kumpirmado ng ating gobyerno na may missile system sa loob ng teritoryo nito, talaga umanong seryoso na ang problema sa ating national security.

Una nang inihain ni Senador Antonio Trillanes IV na mula sa minority bloc ang Resolution No. 22 nagpapatawag ng pagdinig ng Senado ukol sa nagaganap sa West Philippine Sea.

Kailangan aniyang busisiin ang polisiya ng Duterte administration dahil nakikipagmabutihan ang pangulo sa China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?