Senate probe sa Boracay closure, inihirit na ni Trillanes

Sharing is caring!

Inihain ngayon ni Senador Antonio Trillanes IV ang panukalang Resolution No. 705 kung saan pinaiimbestigahan sa Senado ang anim na buwang pagsasara ng Boracay Island na batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Puntirya rito na busisiin ang mga planong gawin ng Department of Tourism, Department of Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development at iba pang ahensya sa loob ng anim na buwang pagsasara ng isla.

Ayon kay Trillanes, dalawang linggo na lang bago ang pagsasara ng isla na itinakda sa Abril 26 pero wala pang masterplan para sa pagsasaayos ng isla at para sa mga residente, nagtatrabaho at nagnenegosyo roon.

Katunayan na umano ng kawalan ng masterplan ang pahayag ni Pangulong Duterte na gagawin niyang sakahan ang isla.

Bukod dito, sinabi ni Trllanes sa resolusyon na dedeterminahin sa Senate investigation kung ang rehabilitasyon ng isla ay totoong para sa environmental at sanitation concerns o kung para lang sa itatayo roon na mega casino.

Tinukoy sa resolusyon na noong Disyembre 2017, nag-courtesy call kay Pangulong Duterte at personal na nagpaliwanag dito ukol sa itatayong casino si Lui Che Woo, chairman ng Galaxy Entertainment Group, na pinayagan na ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na magtayo ng casino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?