181
wanda-teo
By

Senate probe kay Teo, tuloy kahit sipain ni Duterte

Sharing is caring!

Desidido ang mga senador buhat sa oposisyon na imbestigahan ang alegasyon na katiwalian at nepotismo laban kay Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo.

Sinabi nina Senador Antonio Trillanes at Senador Kiko Pangilinan na kailangan itong ituloy magbitiw man si Teo o sibakin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nag-ugat ang kontrobersya kay Teo sa report ng Commission on Audit na nagbayad ang Department of Tourism (DOT) ng P60 million para ipalabas ang patalastas ng ahensya sa TV show ng kaniyang mga kapatid na sina Ben Tulfo at Erwin Tulfo.

Ayon kay Trillanes, kailangan nilang bungkalin ang isyu upang matunton kung gaano kalalim ang umano’y “ads scam” o advertisement scam sa DOT at kung magkano ang nawawala sa gobyerno.

Kailangan din aniya ng pagdinig upang hindi magkalimutan sa isyu sa DOT nang sa gayon ay hindi maulit kay Teo ang ginawa sa ibang presidential appointments na inilipat lang sa ibang puwesto matapos madawit sa kontrobersya.

Sinabi naman ni Pangilinan na kailangang matuloy ang imbestigasyon ng Senado para madetermina ang pananagutan ng mga gumawa ng katiwalian at para na rin magsilbing mensahe na hindi palalagpasin ang katiwalian at pag-abuso sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?