63

Oct 24, 2017 @ 11:43

Senate probe kay ex-Comelec chief Bautista, tuloy – Chiz

Kahit bumaba na sa puwesto si dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista, itutuloy ng Senado ang imbestigasyon sa diumanoy pagsisinungaling nito sa statement of assets, liabilities and networth (SALN) at sa umano’y pagtatago ng yaman sa isang maliit na bangko.

Sinabi ni Senador Francis “Chiz” Escudero, chairman ng Senate committee on banks and financial institutions, na itatakda niya ang pagdinig dakong Nobyembre kung kailan nakatakdang bumalik ang Senado sa regular na sesyon.

Hihintayin naman nya ang rekomendasyon ng mga senador na humingi ng pagdinig kung ipatatawag si Bautista.

Sina Senate Majority Leader Tito Sotto III at Senador Panfilo Lacson ang naghain ng Resolution No. 468 kung saan hiningi ang imbestigasyon sa kaso ni Bautista para sa pagrepaso kung kailangang amyendahan muli ang Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Nagdaos ng pagdinig ang kumite pero kinailangan iyong suspendihin kung sampahan si Bautista ng impeachment complaint sa Kamara.

Sa nasabing pagdinig na ginanap noong Agosto 23, kinumpirma ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na iniimbestigahan na nito ang bank accounts ni Bautista pero hindi nagdetalye dahil obligado na confidential ang kanilang mga hakbang.

Pero diumano’y nag-ugat ito sa rebelasyon ni Trisha Bautista, asawa ni asawa ng dating COMELEC Chairman na mayroon itong mahigit mahigit sa P1 bilyon sa 30 savings accounts sa Luzon Development Bank (LDB) na hindi umano nakadeklara sa SALN.

Inihayag naman ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang nadiskubre na nagbangko rin sa LDB ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) nung chairman nito si Bautista. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?